Wednesday, March 2, 2011

International Year of Forests at Kamalayang Kalikasan Blog Ilulunsad

Sa ika-3 ng Marso, 2011, ilulunsad ng Faculty of Management & Developmnent Studies (FMDS) ng UP Open University (UPOU) ang International Year of Forests (IYF) sa UPOU Headquarters, Los BaƱos, Laguna.

Pasisinayaan ito ni Senador Juan Miguel F. Zubiri na magbibigay ng isang mensahe tungkol sa kahalagahan ng pagkalinga sa ating kalikasan. Ang pambungad na mensahe ay magmumula kay UPOU Chancellor Grace J. Alfonso.

Pormal ding ilulunsad ang “Kamalayang Kalikasan Blog and Balita: Digital Awareness Campaign for Forest Conservation.” Ang blog na ito ay nilikha para magkaroon ng espasyo ang mga UPOU Earth Ambassadors na malaman ang mga huling balita, gawain, at programa ukol sa IYF at maihayag ang kanilang mga opinyon at karanasan sa pangangalaga ng kalikasan. Maglalaman din ito ng mga trivia at munting kaalaman sa kalikasan.

Ilan sa mga inaasahang dadalo ay mga UPOU Earth Ambassadors mula sa Dayap Elementary School, Sto. Domingo Elementary School, at The Learning Place at ilang mga lokal na kinatawan mula iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng DENR.

"Kamalayang Kalikasan" sa Alibata

Ang Alibata ay alpabeto ng mga sinaunang Pilipino.